Tuesday, January 27, 2009

LP 42: Kahel


Kuha ang larawang ito noong taon 2007. Hindi ko malilimutan ang araw na yun. Ang paalam namin ay mag teambuilding kami. Pero hindi naman yun totoo. Nagfishing kami at nagbonding kasama ang mga katrabaho. Paguwi, naaksidente ang isa naming sasakyan. Buti na lang wala ni isa man ang nasaktan. At buti na lang din nagbangka ang ibang empleyado pauwi. Nakuhanan tuloy ang napakagandang paglubog ng araw sa Punta Fuego. Nagkulay kahel ang papalubog na araw ang sinag nito ay sumasalamin sa malawak na karagatan. Totoo ang sinabi ni Dinah na bakit ako lalayo pa ang ang lugar ko ay maganda na. Napaisip tuloy ako..

No comments:

Looking For Something?