Saturday, January 10, 2009

LP 41: Asul (Blue)


Ang Bayan ng Nasugbu, Batangas ay biniyayaan ng napakagandang kapaligiran. Karaniwan itong dinarayo ng mga turista na nagnanais makasagap ng sariwang hangin at masilayan ang mga magagandang tanawin. Idagdag pa ang magigiliw at mababait na mamamayan. Ang larawang ito ay kuha ko sa Baranggay Calayo, Nasugbu, Batangas. Tunay naman makapigil hininga ang tanawing ito. Ang burol ng San Vincente ay napapaligiran ng asul na karagatan at nakatunghay sa asul na kalangitan. Bilang isang responsableng mamamayan ng Nasugbu, ako ay nakikiisa sa pag pepreserba ng kagandahan ng aking kapaligiran.

No comments:

Looking For Something?