Saturday, January 10, 2009

LP 40: Pula (Red)





Inihahandog ng Punta Fuego Village Foundation, Inc. at ng Balaytigue Elementary School ang ALS (Alternative Learning School) na naglalayong magbigay ng libreng pagaaral ng mga kursong bokasyonal sa mga kabataang nagnanais matuto ngunit kapos sa kabuhayan.

Dalawa sa mga kursong ibinibigay ng ALS ay "Hotel & Restaurant Management" at "Building Wiring Electrician Course" na karaniwang natatapos sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan. Ang proyektong ito ay inilunsad sa tulong nga Pamahalaang Lokal ng Nasugbu sa pamumuno ni Mayor Antonio Barcelon, at sa tulong nga kagalang galang na dating senador Ralph Recto.

Mapapansin sa larawan na pula ang napiling uniporme ng mga mag-aaral dahil inilalarawan ng kulay pula ang pagiging masigasig, aktibo, buhay na buhay at puno ng pag-asa..


No comments:

Looking For Something?