Heto ang larawan ko habang naglalakad sa baybaying ng Weathered Rock Beach dito sa Punta Fuego. Wala akong kamalay-malay na kinunan ako ng litrato ng aking kaibigang si KC habang tinutulungan ko ang batang nasa bandang likuran na mamulot ng mga puting bato na gagamitin sa pagdedekorasyon ng hardin ng isang tagarito. Akala niya nagsesenti ako, hindi nya alam iniinspeksyon ko ang klase ng mga batong pinulot ko ha ha ha.
Sa totoo lang mahirap maglakad sa buhangin at sumakit ang likod ko sa pamumulot ng mga bato. Salamat na lang sa ganda ng paligid at sa papalubog na araw at kahit papano ay naibsan ng sariwang hangin ang aking pagod.
14 comments:
Sa tuwing nasa dagat ako sa probinsya, ikinasasaya kong pulutin ay mga sigay at iba pang shell sa mga batuhan. Bukod sa may pang-dekorasyon na ako, may masarap pang ulam ;)
Happy LP!
pero di ba ang sabi ng iba ang paglalakad daw sa buhangin lalo na kung mainit init ito ay isang klase daw ng therapy?
Ang akala ko naman ay may beach clean-up. :) Masarap maglakad sa tabi ng dagat ngunit ginagawa ko ito kapag hindi kataasan ang araw. Mas masarap ang dating ng hangin.
Maganda diyan ha. Saan ba ang Punta Fuego?
Salamat pala sa pagbisita. Yung T-Shirt, medyo nahuli ka kasi last April pa yata yan inorder at pinagawa. Ngayon yata kanya-kanyang pagawa na lang using the same design.
nice stolen shot :)
eto naman po ung akin :D
Lakad. Lakad :)
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
Ganda diyan sa Punta Fuego. Nag enjoy din ako nung pumunta kami diyan. Nice candid shots!
ganun siguro kapag nasa dagat at naglalakad, namumulot ng mga sigay at korales. Ganyan din ang ginagawa ko eh. Maligayang LP!
masarap maglakad sa buhanginan, mabisang gamot daw yan sa mga kasu kasuan na masakit, punta rin kami diyan sa december magogolf ang papa
nakakaaliw mamulot ng mga shells habang hinihintay ang paglubog ng araw. :)
Ang sweet mo naman at tinulungan mo yung bata :)
ang paborito ko namang gawin sa beach ay manghuli ng talangka! seryus yan lol!
happy lp!
hahaha 'kala nagse-senti ka! maganda daw sa Punta Fuego...buti nakarating ka na.:P
wow mukhang seryoso ka sa paghahanap ng shells, nakadami ka ba? maganda nga dyan sa punta fuego!
salamat sa komento sa aking lakad :)
Hi Tina, pauwi kami ng november, we will be happy to meet you, sa santa rosa lang kami
mahirap na masarap maglakad sa buhanginan.. parang mag nag hahard massage sa paa mo habang naglalakad ka
Make or Break
Post a Comment