Friday, August 28, 2009

LP 72: Hapunan



Eto po ang aking lahok sa tema natin ngayong linggong ito na "Hapunan"

Basta araw ng sweldo nagkakayayaan kami ng mga kaibigan ko na kumain sa labas bilang "reward" sa aming mga sarili sa aming walang pagod na pagtatrabaho sa loob ng dalawang linggo. Noong ika 15 ng Agosto, napagkasunduan namin na sa Shakey's Tagaytay kami kumain bukod kasi sa paborito namin ang Shakey's ay napakaganda talaga ng Tagaytay sa gabi at ang sarap samyuin ng hangin. Napagdiskitahan kong kuhanan ang aking kaibigan na si Mylene habang inuubos nya inorder nyang sangkaterba. Buti na lang buntis ako, lusot sa pagkain ng madami. Ikaw man ang magkaroon ng isang kaibigang katulad ni Mylene sigurado sira ang diet mo ha ha.



hmp ang konti naman nito


ubos na ang pasta, pizza naman


fried chicken sarap!

mylene magtira ka naman para sa pusa


ubos na? bitin..

Masayang hapunan mga Ka-LP!

5 comments:

Dinah said...

sarap naman nyan. lalo na kung may beer :-)

iska said...

oo nga naman... kailangan reward ang ating mga sarili after hard work :-) we deserve it!

fortuitous faery said...

parang bitin din para sa akin...hehe.

shykulasa said...

abswelto ka sa pagkain ng marami pero yung friend mo ayaw paawat, ang sarap nga naman kasi :)

salamat sa pagbisita sa aking hapunan!

thess said...

hahaha! nakakatuwa naman friend mo...parang ako, ganado kumain :)

happy lp and have a fine weekend na rin!

Looking For Something?