Friday, January 7, 2011

LP133: Paboritong Laruan




Ito ang paboritong laruan ng anak kong si Helenia. Isang puting Teddy Bear na pasalubong sa kanya ng aking Ninang galing Guam. Mahal na mahal ni Helenia ang laruang ito. Ayaw nya itong madudumihan, palagi nya itong ipinapalaba sa akin, pinupulbusan at pinapabanguhan din niya ito. Ang pangalan ng Teddy Bear na ito ay Whitie :)



Kuha ito noong ika-apat na kaarawan ni Helenia. Hindi siya pumayag na magpalitrato na ang kasama ay ako lang, dapat kasama din si Whitie.




Kuha ito isang gabi noong taong 2008. Dinalaw kami ng aking Nanay sa inuupahan naming apartment. May bago akong camera noon at tinetesting ko ito. Kasama pa din si Whitie syempre. Ang aking Nanay pala ay namayapa na noong Mayo 2009. Ang bilis ng panahon.

Dalaw po kayo sa Litratong Pinoy.


No comments:

Looking For Something?