Wednesday, March 11, 2009

LP 48: Bag



Karaniwan na siguro sa mga kababaihan na maging mahilig sa mga magagarang kagamitan. Ako marahil ay isa sa kanila. Ako ay mahilig mangolekta ng mga bag higit na yaong alam kong talagang pagtitinginan ng tao pag dala-dala ko. Narito ang isa sa mga paborito ko. Bihira ko lang itong gamitin sa kadahilanang nag aalala ako baka maluma agad. Tuwing dala-dala ko ito, lahat nga nakakakita ay nagtatanong kung saan ko ito binili at kung magkano. Natatawa ako sa reaksyon nila sa tuwing sinasabi ko na sa ukay-ukay ko lang ito binili sa halagang dalawang daang piso. Napamahal ba ako?

3 comments:

Rose said...

hello po gandang gabi po...
pasensiya na po sa abala...
itatanong ko lang po paano ko po...
makikiclaim po ung prize ko...
nanalo po kasi ako ng second prize...
sa contest ni kuya makoy...
maraming salamat po...

Stacey said...

Ay ang ganda ng bag, kikay na kikay, bading na bading. I like it. Feeling ko hindi ka naman napamahal kasi unique naman sya eh.

Sherry said...

wow nice bag :)

Looking For Something?