Showing posts with label Mylene. Show all posts
Showing posts with label Mylene. Show all posts

Friday, August 28, 2009

LP 72: Hapunan



Eto po ang aking lahok sa tema natin ngayong linggong ito na "Hapunan"

Basta araw ng sweldo nagkakayayaan kami ng mga kaibigan ko na kumain sa labas bilang "reward" sa aming mga sarili sa aming walang pagod na pagtatrabaho sa loob ng dalawang linggo. Noong ika 15 ng Agosto, napagkasunduan namin na sa Shakey's Tagaytay kami kumain bukod kasi sa paborito namin ang Shakey's ay napakaganda talaga ng Tagaytay sa gabi at ang sarap samyuin ng hangin. Napagdiskitahan kong kuhanan ang aking kaibigan na si Mylene habang inuubos nya inorder nyang sangkaterba. Buti na lang buntis ako, lusot sa pagkain ng madami. Ikaw man ang magkaroon ng isang kaibigang katulad ni Mylene sigurado sira ang diet mo ha ha.



hmp ang konti naman nito


ubos na ang pasta, pizza naman


fried chicken sarap!

mylene magtira ka naman para sa pusa


ubos na? bitin..

Masayang hapunan mga Ka-LP!

Looking For Something?